Nagpapatuloy na drug trade sa NBP, patunay na walang kinalaman sa ilegal drugs si Senator De Lima

Manila, Philippines – Para kay Senator Leila De Lima, napatunayan ngayon na isang malaking kasinungalingan talaga ang pagsasangkot sa kanya sa ilegal na droga ng Duterte administration.

Ito ang inihayag ni De Lima, makaraang aminin mismo ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na nagpapatuloy pa rin ngayon ang ilegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison o NBP.

Tanong ni De Lima, kung totoo ang ipinapangalandakan ng Duterte Administration na sya ang Drug Queen ay bakit ngayong nakakulong na sya ay nagpapatuloy pa rin ang operasyon ng ilegal na droga sa NBP.


Ang totoo, ayon kay De Lima, ang mga kasinungalingan at imbentong kaso laban sa kanya ay paraan lang ng duterte administration para pagtakpan ang mga kapalpakan at pagkukulang nito.

“They told the people that I am the ‘, without me, illegal drugs would not be traded within the New Bilibid Prison, yet this administration’s secretary of justice now admits that, despite my detention and the measures they have taken, the drug problem in the BuCor remains unabated,” pahayag ni Senator De Lima.

Facebook Comments