Hiniling ni House Deputy Minority Leader Carlos Isagani Zarate sa pamunuan ng Commission on Elections (COMELEC) at Philippine National Police (PNP) na imbestigahan ang nagpapatuloy na red-tagging.
Ang apela ng kongresista ay kasunod ng pagre-red-tag sa kanya ng mga pulis ng Capas police headquarters sa Tarlac.
Mariing kinokondena ng kongresista ang naturang aksyon ng mga pulis na naglagay ng tarpaulin na may larawan niya at nag-uugnay sa kongresista sa komunistang grupo.
Lumiham na ang abogado ni Zarate sa mga pulis at pinatatanggal ang naturang tarpaulin.
Nagpadala na rin sila ng reklamo sa local COMELEC at sa Office of the Ombudsman.
Paalala naman ni Zarate sa pulisya na ipinagbabawal ng batas na makisangkot ang mga pulis sa eleksyon sa alinmang paraan.