DICT Sec. Caintic, umaasang maipagpatuloy ng susunod na administrasyon ang mga nasimulang programa ng ahensya

Umaasa si Department of Information and Communications Technology (DICT) acting Secretary Emmanuel Caintic na ipagpapatuloy ng susunod na administrasyon ang mga nasimulang programa ng ahensya.

Mahalaga aniya na maipagpatuloy ang pagpapalawak sa access, responsableng bilis at kalidad na internet connectivity sa bansa.

Magtatayo ang DICT ng ‘common digital infrastructure’ para tulungan ang mga ‘telco’ na maghatid ng serbisyo kahit sa malalayo at liblib na lugar sa Pilipinas.


Facebook Comments