Nananatiling mababa ang porsyento ng nagpapaturok ng booster dose sa lalawigan ng Pangasinan, ito ang iginiit ng Provincial Health Office ng Pangasinan.
Bagama’t mataas naman ang porsyento ng nagpapabakuna ng COVID19 vaccine na edad 18 pataas ngunit mababa ang porsyento ng edad 17 hanggang 5 taong gulang dahil sa may pangamba pa rin ang mga magulang ukol sa bakuna.
Sinabi ni Dra. Cielo Almoite ng Provincial Health Office, nakakalungkot umano ang kaunting bilang ng nagpapaturok ng booster shots lalo na at hindi na parin tuluyang nasusugpo ang virus.
Mababatid na mababa ang daily average COVID cases ang naitatala sa lalawigan ngunit hindi umano ito rason para magpakampante ang publiko.
Sa ngayon na kaliwa’t kanan ang nangyayaring selebrasyon at kampanya ay mas kailangan na magkaroon ng dagdag proteksyon kung saan maaaring tumaas ang bilang ng maaaring tamaan ng virus sa mga susunod na buwan. | ifmnews
Facebook Comments