Sunog na sumiklab sa Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City, naapula na

263

Idineklang fire out na ang sunog na sumiklab sa South gate ng Araneta Coliseum sa Barangay Soccoro, Quezon City.

Batay sa report ng Bureau of Fire Protection o BFP-QC, nagsimula ang sunog 11:49.

Sa inisyal na report, nagsimula ang apoy sa kisame ng Gateway Mall 2 ng Araneta Coliseum kung saan mayroong isinagawang construction activity.


Nangyari ang sunog habang isinasagawa ang 3×3 Second Conference Grand Finals ng Philippine Basketball Association (PBA).

Itinigil na ang laro at pinalikas ang ang mga tao sa court dahil sa usok.

Agad rumisponde ang 13 na mga truck ng bumbero at apat na fire volunteers at naapula ang sunog 1:08.



Facebook Comments