Nagparehistrong PUJ drivers para sa Service Contracting Program, umabot ng mahigit 6,200 – DOTr

Umabot na sa 6,286 na drivers ng tradisyunal at modern jeepney ang nagparehistro para sa Service Contracting Program na inilunsad ng Department of Transportation (DOTr) at sa pamumuno ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTRFB).

Dahil dito, sinabi DOTr Secretary Arthur Tugade na naging matagumpay ang ginawang general registration para rito na sinimulan noong Nobyembre 25 hanggang 29 ngayong taon.

Sa ngayon aniya sumailaim na sa orientation ang mga nasabing drivers na pamumunuan ng LTFRB upang maintindihan ng mga ito ang saklaw ng Service Contracting Program.


Pero, giit ng kalihim na handa pa rin tumanggap ang LTFRB ng drivers na nais sumali sa nasabing programa, kaya naman hinihikayat niya ang mga ito na magparehistro sa tanggapan ng LTFRB mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes.

Una nang sinabi ni Tugade na ang Service Contracting Program ay bahagi ng Bayanihan Act 2 na layunin na mabigyan ng karagdagang kita sa pamamagitan ng pagbibigay insentibo sa mga tsuper ng jeep na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Facebook Comments