Tax Amnesty deadline, hanggang December 31 na lang

151

Nagpaalala ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na hanggang December 31, 2020 na lang ang pagbabayad ng tax deliquencies o ang mga hindi pa nababayarang buwis mula taong 2017 o mas mababa pa.

Kasunod nito, maaari namang bayaran ang Tax Amnesty on Estate hanggang Marso ng susunod na taon.

Sa interview ng RMN-Manila, sinabi ni BIR Region 6 Regional Dir. Atty. Jethro Sabariaga na maaari lamang palawigin ang nasabing amnestiya kung sakaling magkasundo ang Ehekutibo at Lehislatura.


Matatandaang noon pa sanang Hunyo 22 ang deadline ng pagbabayad ng buwis ngunit pinalawig ito hanggang sa katapusan ng taon para magbigay daan sa pagbangon ng mga Pilipino mula sa nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.

Facebook Comments