NAGPARINIG? | JM de Guzman – nagparinig raw sa kanyang ama sa IG post

Manila, Philippines – matapos ang tila sagutan nina Angelica panganiban at ama ni JM de Guzman sa social media, palaisipan ngayon sa netizens ang ibinahaging post ng aktor sa kanyang Instagram.

Sa post, mababasa ang: “ok, you want me up in a cage then i’ll come out in beast mode” na agad din namang binura ni JM.

Kamakailan lang nang magpost ang ama ni JM na si Ronniel de Guzman ng larawan ng aktor habang nakikipag-inuman kay Angelica at iba pang kaibigan sa showbiz.


May caption ito na “recovering po” at ginamitan ng mga hashtag na #maymali #ikawnaumiwas #wrongcompany — na tila nagpapahiwatig ng pagtutol nito sa pakikipagkaibigan ni JM kay Angelica.

Hanggang ngayon ay walang direktang tinutukoy ang tatlo hinggil sa kanilang mga post.

Facebook Comments