NAGPASALAMAT | Pagbalik ng Balanggiga Bells sa bansa, hudyat ng pagsasara ng malagim na bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas at Estados Unidos – ayon sa Malacañang

Manila, Philippines – Nagpasalamat ang Palasyo ng Malacañang sa lahat ng stakeholders sa panig ng Gobyerno ng Pilipinas at Gobyerno ng Estados Unidos ng Amerika na naging paraan para maibalik sa Pilipinas ang Balanggiga bells.

Kanina ay dumating na sa Villamor airbase ang tatlong kampana kung saan ay sinalubong ito ni Executive Secretary Salvador Medialdea, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Communications Secretary Martin Andanar, US ambassador to the Philippines Sung Kim at iba pa.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, kinikilala ng Pamahalaan ang hakbang na ito ng Estados Unidos at tiyak na magpapatatag pa ng relasyon ng dalawang bansa na matagal nang magkaalyado.


Ang pagdating aniya ng mga kampana sa Pilipinas ay nagsasara ng isang malagim na bahagi ng kasaysayan ng dalawang bansa.

Sinabi ni Panelo na sanay magsilbing pagalala ng kabayanihan, kagitingan at pagiging makabayan ng ating mga kanabayan ang tatlong kampana.

Dag dag pa ni Panelo, sa pagalala natin sa madilim na bahagi ng ating kasaysayan ay ipaalam natin sa buong mundo na hindi magpapaalipin ang mga pilipino sa anomang bansa at ipaglalaban ng mga Pilipino ang ating kalayaan laban sa mga magtatangkang kunin ito.

Facebook Comments