Manila, Philippines – Nagpasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese President Xi Jinping sa suporta na ibinigay nito sa Pilipinas sa paglaban nito sa mga terorista na umokupa sa Marawi City.
Nang makaharap kasi ni Pangulong Duterte si President Xi sa naganap na bilateral meeting kahapon sa Hainan, China ay sinabi nito sa Presidente ng China na ang baril na nakapatay sa lider ng Maute ay ang galing sa China.
Matatandaan na aabot sa 3000 baril ang ibinigay ng China sa Pilipinas kung saan kabilang dito ang mga Assault Rifles, Sniper Rifles at high-precision rifles kabilang na ang bala na aabot sa humigit kumulang 6 na milyong piraso noong nakaraang taon at nagamit ang ilan sa mga ito ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pakikipagbakbakan sa Marawi Siege.
Binati din naman ni Pangulong Duterte si President Xi sa muling pagkapanalo nito bilang presidente ng Peoples Republic of China.
Nagpasalamat din naman si Pangulong Duterte kay President Xi sa pananatili ng magandang relasyon ng Pilipinas at China kung saan sinabi ng Pangulo na mas lumalimpa ang pagkakaibigan ng dalawang bansa.