HULI | Miyembro ng Sigue Sigue Commando Gang, arestado dahil sa iligal na droga sa Manila

22

Manila, Philippines – Bumagsak sa kamay ng Manila Police District Station 3 matapos na magsagawa ng Simultaneous Anti-Criminality Campaign Law Enforcement Operation (SACLEO) ang pulisya sa Tambunting Street, Sta. Cruz, Manila.

Nakilala ang suspek na si John Froilan Brasa, 21 anyos, miyembro ng Sigue Sigue Commando Gang residente ng Tayabas Street, Tondo, Manila.

Ayon kay PO2 Julius Gamboa ng Blumentritt PCP ng MPD nagsagawa sila ng SACLEO sa Tambunting Street, Sta. Cruz, Manila dahil sa sumbong ng menor de edad na mayroong isang lalaking may bitbit na shabu sa naturang lugar.

Agad na kinapkapan ng mga otoridad ang suspek at nakuha sa kanyang pag-iingat ang 12 plastic sachet ng may lamang pinaghihinalaang shabu.

Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isasampa sa naturang suspek.

Facebook Comments