NAGPASARING? | Batikos ni Pope Francis tungkol sa pagkalat ng fake news, hindi tungkol kay President Trump – Vatican

World – Itinanggi ngayon ng Vatican na pagpapasaring kay US President Donald Trump ang pagkundena ni Pope Francis sa pagkalat ng “Fake News.”

Giit ng Vatican, paalala para sa lahat ang naging pahayag ng Santo Papa.

Una rito, sinabi ni Pope Francis na ang pagpapakalat ng fake news ay pwedeng maka-impluwensya sa mga desisyong pampulitika at pumuno sa “economic interests” ng isang tao.


Matatandaang isang writer ng New York Times ang tinawag noon si Pope Francis na “The Anti-Trump” dahil sa magkaiba nilang pamamaraan ng pagresolba ng mga problema.

Facebook Comments