Manila, Philippines – Mukhang hindi pa rin tanggap ng ina ni Jake Zyrus ang naging desisyon niyang magpalit ng kasarian.
Nagsimula ang espekulasyon nang batiin ni Raquel Pempengco sa kanyang social media ang bunso niyang anak na si Carl noong birthday nito.
Sa caption, tinawag niya bilang kaisa-isang lalaki sa Pempengco clan si Carl.
Matatandaang nagkaroon ng alitan ang mag-ina simula nang lumantad bilang lesbian si Jake Zyrus na lalo pang lumalim nang magpalit siya ng image.
Wala pa namang komento tungkol dito si Jake.
Facebook Comments