Nagsagawa ng anti-piracy drill ang coast guards ng Pilipinas at Japan sa Manila Bay.
Itinampok sa drill ang simulated rescue sa kunwaring na-hijack na barko.
Apat na patrol ships ang tumugon sa hijacking at pag-aresto sa mga armadong kalalakihan lulan ng barko.
Ipinalamas ng Japan Coast Guard ang kanilang patrol vessel Echigo at isang helicopter sa maritime exercise nito sa Sangley Point, Cavite City.
Pinangunahan ni Capt. Chikara Toyota ang Echigo na may 53 tauhan.
Nag-deploy naman ang Philippine Coast Guard (PCG) ng 100 tauhan, multi-roles response vessel BRP Suluan, fast patrol boat na BRP Boracay at BRP Panglao.
Ayon kay PCG spokesperson, Capt. Armand Balilo – mahalaga ang drill lalo na sa paglaban sa mga pirata sa Southeastern Mindanao.
Dagdag pa ni Balilo – aabot sa 13,000 foreign vessels ang dumaraan sa Sibutu Channel sa Mindanao mula China, Japan, Australia at South Korean.
Ang Sibutu Channel ay matatagpuan malapit sa Tawi-Tawi na kadalasang ginagamit ng merchant shipping sa pagitan ng Pacific Ocean at South China Sea.
Ipinagmalaki rin ng PCG ang zero incidents ng piracy sa Southeastern Mindanao dahil sa pinaigting na pagpapatrolya nila katuwang ng Philippine Navy at mga lokal na pamahalaan.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>