NAGSALITA | Dating CJ Sereno, bumuwelta sa naging desisyon sa kanyang quo warranto case

“Unjust”!

Ito ang tinawag ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa ginawang pagpapatalsik sa kanya ng mga kapwa-mahistrado niya sa Korte Suprema.

Ayon kay Sereno, ang nangyari sa kany ay patunay lamang na walang umiiral na hustisya sa bansa


Bunga nito, nararapat lamang aniyang ipagpatuloy ang accountability.

Inupakan din ni Sereno ang aniyay paglaganap sa bansa ng fake news at propaganda.

Iginiit din ni Sereno na wala siyang pinagsisisihan kasi wala naman daw siyang nagawang pagtataksil sa bayan.

Aniya, hindi rin siya uma-atras sa ano mang laban lalo na kapag para sa karapatan ng mga Pilipino.

Hindi rin aniya apektado ang kanyang pamilya at patuloy siyang pinagmamalaki ng mga ito.

Facebook Comments