Manila, Philippines – Nagsasayang lang umano ng panahon si Senator Grace Poe kung ang kakausapin nito sa isyu ng Transport Modernization Program ay ang lider ng PISTON na si George San Mateo.
Ito ang inihayag ng limang Transport Organization na FEJODAP, PASANG MASDA, LTOP, ALTODAP AT ACTO kasunod ng paggamit ni San Mateo kay Senator Poe na dahilan kung bakit iniatras ng Piston ang planong 2-araw na tigil-pasada na magsisimula sana ngayong araw.
Ayon kay Liga ng Transportasyon Operetor sa Pilipinas President Orlando Marquez walang mapapalang kabutihan ang Transport Sector kay San Mateo dahil hindi naman umano ito operator kundi isang lider mula sa makaliwang grupo.
Paliwanag ni Marquez sa December 7 nakatakdang magsagawa ng pagdinig ang Senate Committee on Public Services sa PUJ Modernization Program na inalmahan ng grupo ni San Mateo.
Giit ng limang Transport Group puro pambabatikos lang sa magandang plano ng gobyerno para sa taumbayan ang maririnig kay San Mateo dahil kasapi umano ito ng makakaliwang grupo.
Dagdag pa ni Marquez walang pakialam sa damdamin ng Commuters si San Mateo, laluna sa hinaing ng totoonh nasa Sektor ng Transportasyon dahil una pa lamang ay mali na ang intindi nito sa Tranport Modernization ng Duterte Administration.