HULI │Apat, arestado sa buy-bust operation sa Maynila

Manila, Philippines – Arestado ang apat katao kabilang ang dalawang Chinese National sa ikinasang buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang hotel sa Maynila.

Aabot sa limang-milyong halaga ng shabu ang nasabat sa mga suspek na sina Albert Ferrer, Bealyn Abaja, mga Chinese National na sina Hu Li Yue at isang alyas Tony.

Isinagawa ang operasyon sa Brickstone Hotel sa may M.H. Del Pilar kung saan nasa isang kilo ng shabu ang nakuha sa kanila.


Pinangunahan ng Eastern District Office (EDP) ng PDEA-NCR ang operasyon makaraang makatanggap ng intelligence sa iligal na gawain ng mga suspek.

Facebook Comments