Manila, Philippines – Nagsimula nang sumalang sa public interview ng Judicial and Bar Council (JBC) ang anim sa 19 na aplikante para sa Associate Justice post sa Korte Suprema.
Ang pwesto ay ang mababakante ni Justice Noel Tijam na magreretiro sa January 5, 2019.
Ngayong umaga, unang sumalang sa public interview si Court of Appeals Associate Justice Ramon Cruz na susundan nina CA Justices Eduardo Peralta Jr. at Ricardo Rosario.
Mamayang hapon naman, sasalang sa interview si CA justice Ramon Bato Jr. at susundan nina Sandiganbayan Presiding Justice Ampato Cabotaje Tang at Sandiganbayan Associate Justice Efren Dela Cruz.
Facebook Comments