Manila, Philippines – Sa layuning itaguyod ang pagiging malusog at masigla ng mga estudyante.
Ilulunsad ng Department of Education (DepEd) ang Oplan Kalusugan (OK) ngayong Linggo.
Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, target nilang bigyan ng basic primary health and dental care ang mga estudyante.
Sakop ng Oplan Kalusugan ang School-Based Feeding Program; National Drug Education Program; Adolescent Reproductive Health Education; Water, Sanitation, and Hygiene in Schools Program; at medical, nursing, and dental services.
Sa nasabing One Health Week, ang mga regional at division offices ay inaatasang magkasa ng orientation sa mga magulang, magkakaroon din ng age-appropriate health and hygiene practices; rapid classroom inspection, pagsasagawa ng arawang paglilinis gayundin ang pagkakaroon ng gulayan sa paaralan, mental health, and tobacco control at ang pagtitinda ng mga masusustansyang pagkain sa kantina.
Pormal na ilulunsad ang Oplan Kalusugan sa July 13, 2018 sa Pembo Elementary School, Makati City na pangungunahan ng mga matataas ng opisyal ng DepEd.