NAGTANGKA | Staff ni SAP Bong Go, tinangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbabaril sa sarili

Kinumpirma ni Special Assistant to the President (SAP) Bong Go ang tangkang pagpapakamatay ng isa sa mga staff nito sa Davao City sa pamamagitan ng pagbabaril sa sarili.

Sinabi ni Sec. Go, kinilala ang biktimang si Leo Angelo Apara at isang government employee.

Ayon kay Sec. Go, nasa “state of comma” ngayon ang lalaki at kasama na ang live-in partner sa pagamutan.


Inihayag ni Sec. Go na isa si Apara sa mga pinagkakatiwalaan nitong staff at nakatutok sa pagbibigay ng assistance sa mga nangangailangan ng tulong sa pagpapagamot.

Ipinaubaya nalang ni Go sa PNP ang imbestigasyon sa pangyayari at nakapagbigay narin naman aniya ng tulong ang kanyang tanggapan sa biktima.

Facebook Comments