NAGTITINDA SA PALENGKE NG CAUAYAN, NANLUMO SA INIWANG PINSALA NG SUNOG

Cauayan City – Kanya-kanyang pulot at buhat ng mga panindang hindi natupok ng apoy ang ilang mga may-ari ng nasunog na tindahan sa pamilihan sa lungsod ng Cauayan.

Bitbit ang kani-kanilang mga sako, kanya-kanyang hukay ang ilang may-ari ng mga nasunog na tindahan upang kunin ang mga bagay na maaari pang mapakinabangan.

Katulad na lamang ni Ginoong Vicente Bautista na eksklusibong nakapanayam ng IFM News Team, labis na lungkot ang kanyang naramdaman dahil sa isang iglap, naging abo na lamang ang kanilang pinagkukunan ng hanap-buhay.


Hindi alintana ang nalalanghap na usok at ang init ng mga bagay na natupok sa pamumulot nila ng mga natirang paninda sa pagbabakasakali na maaari pa itong mapakinabangan o maibenta.

Ayon sa ilang mga biktima ng sunog, malaki ang magiging epekto nito sa kanila dahil karamihan sa mga ito ay ito na lamang ang pinagkukunan ng hanap-buhay kaya’t hindi alam kung paano muling magsisimula.

Facebook Comments