Manila, Philippines – Inamin ni dating Customs Commissioner Isidro Lapeña na nagulat siya na sa inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilipat siya sa TESDA at ipromote sa Cabinet Rank.
Sa interview kay Lapeña sa Philippine Coast guard ka ina ay sinabi nito na nang makausap niya kanina si Executive Secretary Salvador Medialdea ay wala din itong sinabi patungkol sa anunsiyo ng Pangulo.
Pero bilang opisyal naman aniya ng Pamahalaan na presidential appointee ay dapat lagi silang handa sa anomang magiging desisyon ng Pangulo.
Hindi naman itinuturing na set back sa kanya dahil napromot pa nga aniya siya nang italaga ng Pangulo sa TESDA kaya naniniwala parin siyang malaki parin ang tiwala sa kanya ni pangulong Duterte.
Tiniyak din naman nito na ibibigay niya ang lahat ng kanyang makakaya saan mang posisyon siya mapunta sa Gobyerno.
Nagulat din naman si Incoming Customs Chief Rey Leonardo Guerrero sa naging anunsiyo ng Pangulo.
Sa pahayag ni Guerrero sa Coastguard ay sinabi nito na sandali niyang nakausap si Pangulong Duterte kanina kung saan sinabi aniya nito na Just do your Job.
Kakausapin rin naman aniya niya si Lapena upang alamin ang organizational structure ng BOC at bukas naman aniya ay pupunta siya sa Malacañang para makausap ng Masinsinan si Pangulong Duterte.