Quezon City – Patay ang isang lola matapos magulungan ng cement mixer sa bahagi ng Timog Avenue, Quezon City.
Kinilala ang biktima na si Emelia Traqueña, 84-anyos.
Ayon sa anak ng biktima na si Teresa, patawid sila ng kaniyang ina nang mabundol ito ng sasakyan.
Hawak-hawak raw niya ang kaniyang ina at papunta sana sa isang convenience store para sumakay ng jeep.
Depensa naman ng driver ng cement mixer na si Stephen Maputol na mabagal lang ang kaniyang takbo dahil may traffic sa lugar at wala siyang napansing tumatawid.
Aniya, nagulat na lang siya nang bahagyang umangat ang mixer at may sumigaw na may nasagasaan siya.
Gayunman, mahaharap pa rin ang driver sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.
Facebook Comments