Nahakot na basura sa mga estero at kanal sa buong Metro Manila, umabot na sa 757 na trak ng basura

Manila, Philippines – Sa loob lamang ng dalawang buwan, umabot na sa 757 truck ng basura ang nahakot ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga estero at kanal sa buong Metro Manila.

Sa record ng Flood Control and Sewerage Management Office ng MMDA, mula March 1 hanggang May 6 – nasa 5,250 cubic meters ng basura at burak ang nakolekta mula sa mga iba’t-ibang estero at open canal sa Maynila, Makati, Pasay, Malabon at Navotas.

Kung pagsasama-samahin, kaya nitong punuin ang dalawa’t kalahating Olympic-size na swimming pool.


Ayon sa MMDA, target nila na malinis ang lahat ng mga estero sa Kamaynilaan bago magtag-ulan para maiwasan ang pagbaha.

Kasabay nito, muli na namang nagpaalala ang MMDA sa mga residente sa flood control areas na maghanda bago ang tag-ulan.

Ibinahagi naman ng MMDA ang mga lugar na dapat na iwasan ng motorist kapag malakas ang pag-ulan.

DZXL558

Facebook Comments