Nahakot na basura sa Rizal Park, umabot sa 12 truck!

Manila, Philippines – Umabot sa 12 truck ng mga basura ang nahakot sa Luneta Park sa loob lang ng dalawang araw.

Ayon kay Che Borromeo, hepe ng Manila Department of Public Safety, karamihan sa mga nakolekta ay mga plastic at mga pinagbalutan ng mga pagkain at inumin.

Aniya, ang nasabing mga basura ay naipon mula December 24 hanggang December 25.


Sa tala ng Manila Police District (MPD), nasa 6,000 na indibidwal ang bumisita sa Rizal Park nito lang Pasko.

Facebook Comments