Manila, Philippines – Agad din namang nag-sorry si Kris Aquino matapos ang pagbatikos niya sa magazine show host na si Korina Sanchez at ilan pang personalidad na umano ay nasagasaan ng kanyang post.
Inere ang episode, dalawang araw matapos siyang maglabas ng sama ng loob tungkol sa pagiging pabaya ni James Yap sa anak nilang si Bimby.
Sa kanyang Instagram account, sinabi ni Kris na aminado siyang nakasakit siya ng damdamin pero dapat ay maunawan din ng lahat na isa rin siyang ina na kapag sinagad ay ready to fight.
Nag-sorry rin siya kina PNoy, Pangulong Duterte at Mar Roxas lalo at nabahiran ng pulitika ang kanyang pahayag.
Kagabi nga nang maglabas ng sama ng loob si Kris nang i-feature sa program ni Korina ang dati niyang mister na si James Yap at bago nitong pamilya.
Sa post sinabi niya na sampal sa kanyang mukha ang ginawa ni Korina na tinukoy sa pagtawag na “misis ni Mar Roxas”.