Nakapagtala na ang Philippine National Police (PNP) ng 836 na indibidwal na nahuling lumabag sa umiiral na Commission on Elections (COMELEC) gun ban.
Batay ito sa ulat ng PNP as of February 6.
Sa 836 na mga nahuli, 803 mga sibilyan, siyam na pulis, limang sundalo, 11 security guard at may walong iba pa.
Aabot naman ngayon sa 644 na baril, 290 deadly weapons at 4,072 mga bala ang nakukumpiska ng PNP sa mga gun ban violator na ito.
Sa kasalukuyan, 715 na operasyon na ikinasa ng PNP sa buong bansa kaugnay sa ipinatutupad na gun ban na matatagal hanggang June 8, 2022.
Facebook Comments