Nakapagtala na ang Philippine National Police (PNP) ng 921 na indibidwal na nahuling lumabag sa umiiral na Commission on Elections (COMELEC) gun ban.
Batay ito sa ulat ng PNP as of February 8.
Sa 921 na mga nahuli, 888 mga sibilyan, 8 pulis, 5 sundalo, 12 security guard at may 8 iba pa.
Aabot naman ngayon sa 724 na baril, 314 deadly weapons at 4,563 mga bala ang nakumpiska ng PNP sa mga gun ban violators na ito.
Sa ngayon, 807 na operasyon na ikinasa ng PNP sa buong bansa kaugnay sa ipinatutupad na gun ban na matatagal hanggang June 8, 2022.
Facebook Comments