Umabot na sa 1,309 ang nahuli ng Philippine National Police (PNP) na lumabag sa election gun ban simula Enero 9.
Batay sa PNP, kabilang sa mga naaresto ang 1,266 na sibilyan; 10 police officers; walong military personnel; 14 na security officers at 11 iba p.
Aabot naman sa 993 na mga baril din ang nakumpiska ng PNP kasama na ang 5,904 na bala at 479 na deadly weapons.
Karamihan sa mga nahuli ay mula sa Metro Manila (399), Calabarzon (134), Central Visayas (124), Zamboanga Peninsula (95), at Western Visayas (82).
Sa ilalim ng Commission on Elections (COMELEC) Resolution 10728, sinuspinde ang lahat ng permit to carry firearms outside of residence maliban kung miyembro ng PNP, Armed Forces of the Philippines, at iba pang law enforcement agencies na na-deputize ng poll body.