Zamboanga City – Nadisgrasya ang dalawang kongresista kasama ang mga opisyal ng Zamboanga City matapos mahulog sa maputik at maduming dagat habang nagsasagawa ng inspeksyon sa mga substandard na pabahay ng National Housing Authority (NHA).
Kasama sa insidente sina Housing Committee Chairman Albee Benitez, Zamboanga Representative Celso Lobregat at Zamboanga City Mayor Beng Climaco gayundin ang kanilang mga staff at security.
Nangyari ang insidente kaninang umaga sa Barangay Riohondo dahil sa reklamo ng mga Badjao kaugnay sa iginawad na substandard na housing project ng NHA sa Zamboanga City.
Naglalakad sina Benitez, Lobregat at Climaco kasama ang kanilang staff at security sa kahoy na tulay para mapuntahan ang mga bahay nang biglang bumigay ang tulay.
Wala namang nasaktan sa mga ito at hindi na kinailangan pang dalhin sa ospital.