Nahulog na pera ng isang delivery rider, naibalik ng ilang police officers sa Mandaluyong

Ilang police officers ng Mandaluyong PNP ang hinangaan dahil sa pagiging tapat matapos na ibalik ang perang kanilang nadampot sa Mandaluyong.

Ayon kay PNP Chief General Guillermo Eleazar ang mga tapat na pulis ay nakatalaga sa Mandaluyong City Police Station Sub Station 8.

Nagsasagawa sila ng regular na law enforcement checkpoint sa may corner Aglipay at Leyva Streets nang mapansing nahulog ang cash ng isang Grab delivery rider na si Harvey de Guzman Jr., na nagkakahalaga ng ₱3,020.


Sa kanilang concern, baka wala nang kapera-pera ang Grab driver lalo na ngayong nasa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Metro Manila gumawa sila ng paraan na maibalik ito sa halip na paghati-hatian.

Sinabi ni Eleazar, isa itong halimbawa na mas marami pa rin ang pulis na tapat sa tungkulin at tunay ang malasakit para sa kapwa lalo na ngayong pandemya.

Facebook Comments