NAHULOG SA BANGIN | Dimple Star bus na sangkot sa malagim na aksidente sa Occidental Mindoro, pinatawan ng preventive suspension ng LTFRB

Manila, Philippines – Pinatawan ng LTFRB ng tatlumpung araw na suspension
ang Dimple Star Bus Corporation.

Ito ay kasunod ng malagim na aksidente na ikinamatay ng 19 na katao at
ikinasugat ng hindi bababa sa sampung iba pang pasahero sa bulubunduking
bahagi ng Patrick Bridge, Barangay Batongbuhay, Sablayan, Occidental
Mindoro.

Sa ngayon ay nakatakdang magsagawa ng ocular inspection ang LTFRB sa
pamumuno ni LTFRB spokesperson Atty. Aileen Lizada sa terminal ng Dimple
Star sa Quezon City at lungsod ng Maynila.


Hawak na rin ng LTFRB ang police report na naglalaman ng detalye kung ano
ang nangyari bakit nahulog sa bangin ang nabanggit na bus na galing ng
Metro Manila.

Facebook Comments