NAIA, dapat isailalim sa complete check-up

Hindi sapat para kay House Deputy Speaker at Batangas Rep. Ralph Recto na isailalim lang sa electrical system audit ang Ninoy Aquino International Airport o NAIA.

Giit ni Recto, marami ng sakit ang NAIA kaya mas dapat na complete check-up ang gawin dito para malapatan ng tamang lunas ang mga nararanasang problema tulad ng naulit na power outage nitong May 1.

Iminungkahi niya na gawing complete package at hindi paunti-unti o band aid solution ang pagtugon sa mga problema sa NAIA.


Sabi ng senador, hindi na kailangan na dumaan pa sa Kongreso para mapondohan ang pagsasaayos sa NAIA.

Aniya, may pera naman ang NAIA dahil ito ay isang corporate profit center.

Binanggit pa niya, na noon lamang 2019 ay nakapagtala ang Manila International Airport Authority (MIAA) ng gross revenue na ₱15.2 billion habang nakakolekta naman ang TIEZA ng ₱7.2 billion na travel tax.

Idinagdag pa ni Recto ang Office for Transportation Security na nakalikom ng ₱1.1 billion sa loob ng isang taon mula sa Airport Security Fee na naka-tuck-in sa airline ticket.

Facebook Comments