NAIA, doble ang pagbabantay sa mga dumarating na cargo sa Pilipinas ngayong holiday season matapos masabat ang P67-M na halaga ng shabu sa paliparan

Pinag-iingat ng pamunuan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang publiko kaugnay ng pagki-claim ng mga cargo, shipment at mga package.

Kasunod na rin ito ng pagkakasabat ng P67-M na halaga ng shabu sa NAIA Complex.

Sinabi ni Gerald Javier, deputy task group commander at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) Head, dinoble na kasi nila ngayon ang pagbabantay sa mga dumarating na cargo sa bansa lalo na ngayong holiday season.


Aniya, kapag may nag-alok ng malaking halaga kapalit ng pagkuha ng package sa mga paliparan ay dapat magdalawang isip na ang mga ito.

Kung maalala, itinanggi ng consignee ng mga iligal na droga na sa kanya ito dahil napag-utusan lamang daw ito para kunin ang mga kontrabandong isinilid sa pulley.

Dagdag ni Javier, kailangan din umanong mag-ingat ang ating mga kababayan sa mga nakikilala sa social media dating app.

Facebook Comments