NAIA International Runway, pansamantalang isinara

Manila, Philippines – Pansamantalang isinara ang NAIA International Runway 06/24 dahil sa emergency repair hanggang ala-una mamayang hapon.

Ito ay dahil sa mga panibagong bitak sa runway na mapanganib sa mga lumalapag at nagte-take off na eroplano.

Mananatili naman bukas sa flight operations ang domestic runway.


Ang international flights na gumagamit ng airbus a320 series aircraft ay maaaring mag-landing at take-off sa domestic runway.

Humihingi naman ng pag unawa ang miaa management sa publiko

Facebook Comments