Naniniwala ang Manila International Airport Authority (MIAA) na dahil sa tumitibay na ‘travel confidence’ ng mga biyahero at turista, malaki ang itinaas sa bilang ng mga pasaherong dumagsa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa unang bahagi ng taon.
Ayon sa MIAA, nakapagtala sila ng mahigit 22 million international at domestic passengers mula Enero hanggang Hunyo ng taong ito.
Maging ang flight movement ay tumaas din ng 42% mula Enero hanggang Hunyo ng kasalukuyang taon.
Ito ay mula naman sa 135,883 flights.
Ayon sa MIAA, mas tumaas din ang bilang ng mga pasahero nitong pangalawang kwarter ng 2023.
Facebook Comments