Ilang kalsada at tulay sa Region 1 at CAR, hindi pa rin madaanan dahil sa baha

Dahil sa nararanasang sama ng panahon sa ilang bahagi ng bansa bunsod ng habagat, ilang kalsada at tulay pa rin ang hindi maaring daanan ng mga motorista sa Region 1 at Cordillera Administrative Region (CAR).

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ilan sa mga hindi madaanang kalsada sa Region 1 ay ang Gayusan Road, Patar Road, Victoria sa Sual, Pangasinan, Tuba Road at Bokod sa Benguet at San Juan bridge sa Pangasinan.

Habang mayroon ding one lane passable lamang sa mga maliliit na sasakyan.


Samantala, kabuuang 14 na bahay naman ang nasira dahil sa sama ng panahon.

Walo rito ang partially damaged at anim ang totally damaged partikular sa Calabarzon at Region 6.

Sa ngayon, umaabot sa 9,223 pamilya o 26,331 indibidwal ang naaapektuhan ng sama ng panahon dulot ng nagdaang Bagyong Dodong.

Facebook Comments