NAIA, nasa 44th Spot sa World’s Best Airport list ng Globehunters

Nasa pang-44 na puwesto ngayon ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa listahan ng world’s best airports for business travellers ng travel booking website na Globehunters.

Nakakuha ng overall score na 38.19 na base sa bilang ng mga pasahero, time arrival performance, transit time para sa mga pribado at pampublikong sasakyan, airport parking price, airport rating, bilang ng lounges, destinasyon at airlines na gumagamit sa paliparan.

Pagdating sa time arrival performace, nakakuha ng score na 63.9% ang naia.


Habang three out of five stars ang airport rating nito.

Samantala, nangunguna naman sa listahan ang narita international airport ng Japan.

Pasok din sa top 10 ang:

  • Los angeles International Airport
  • Frankfurt Airport
  • Amsterdam Airport Schiphol
  • George Bush Intercontinental Airport
  • Hartsfield-Jackson Atlanta International Airport
  • Munich Airport
  • Madrid Barajas Airport
  • Tokyo Haneda Airport
  • Dubai International Airport
Facebook Comments