NAIA, pansamantalang isasara sa loob ng 12-oras

Pansamantalang isasara sa loob ng 12 oras ngayong araw ang lahat ng terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa inaasahang epekto ng Bagyong Tisoy.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), ang NAIA ay sarado mula mamayang alas-11:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng gabi.

Aabot sa 480 flights ang inaasahang maaapektuhan.


Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, kinonsulta nila ang PAGASA, Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), at mga Airline Companies bago nila inilabas ang desisyon.

Posible rin aniyang mas mahaba pa sa 12 oras ang Airport closure depende sa magiging lagay ng panahon.

Pinayuhan ng MIAA ang mga pasahero na makipag-ugnayan sa mga airlines para sa kanilang schedule.

Tiniyak naman ng MIAA na kapag bumalik ang flight operations, ipaprayoridad ang mga Scheduled Flight.

Facebook Comments