NAIA Runway 06/24, bukas na

207

Manila, Philippines – Balik na sa normal na operasyon ang NAIA international runway o ang runway 06/24.

Ito ay matapos ang tatlong oras na pagsasara ng runway dahil sa emergency repair bunga ng mga panibagong bitak.

24 international/domestics flights, ang naapektuhan ng pansamantalang pagsasara ng international runway 0624 ng NAIA.


Kinumpirma naman ni Civil Aviation Authority of the Philippines Spokesman Eric Apolonio na lifted na ang notice to airmen na inisyu ng CAAP kaninang umaga.

Facebook Comments