Pagsasagawa ng management of the dead and missing sa Marawi City, pinaghahandaan na ng PNP SOCO

339

Marawi City – Naghahanda na ang PNP Crime Laboratory sa gagawing management of the dead and missing sa Marawi City.

Ayo kay PNP Crime Lab Deputy Dir. for administration Sr. Supt. Ligaya Sim, nakikipag-ugnayan na sila ngayon sa mga evacuees na nasa Iligan at iba pang panig ng Mindanao kung saan may mga evacuees mula Marawi katuwang ang DSWD.

Tinutukoy aniya nila ang mga evacuees na may mga kamag-anak na nawawala para sa posibleng DNA testing.


Ang gagawin daw nila sa oras na matapos na ang Marawi crisis ay agad nilang kukunin ang lahat ng labi at isasailaim sa examination para sa pagkakakilanlan ng mga ito

Sa kasalukuyan habang nanatili ang Marawi crisis, patuloy ang panayam na ginagawa ng mga SOCO technician sa mga evacuees.

Kanina inikot ng SOCO technicians buruun evacuation center sa Iligan.



Facebook Comments