NAIA taxi, pinayagan ng DOTr na mag-operate sa paliparan

Kinumpirma ng Manila International Airport Authority na pinayagan nang mag-operate sa NAIA ang mga airport metered taxi at coupon taxi.

Ito ay para may masakyan ang mga pasaherong dumadating at patungo sa NAIA.

Gayunman, sinabi ni MIAA Spokesperson Connie Bungag na pinapayuhan ang NAIA taxi driver na iwasang dumaan ng EDSA.


Sinabi naman ni miaa general manager ed monreal na dahil sa ipinatutupad na enhanced community quarantine, dadaan sa checkpoint ang mga sasakyang susundo at maghahatid sa mga pasahero.

Mahigpit din na ipapatupad ang policy na dapat bukod sa driver ay isang pasahero lamang ang laman ng sasakyan.

Hindi rin dapat magtatagal ang sasakyan na magsusundo o maghahatid sa paliparan.

Facebook Comments