Itinuring na world’s worst airport para sa business class travelers ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ito ay batay sa pag-aaral na isinagawa ng American luggage app Bounce na Business Class Index.
Sa nasabing pag-aaral, nakakuha ang NAIA ng 0.88/10 business class score at pumatak sa ika-38 puwesto mula sa 38 mga paliparan sa buong mundo.
Naging basehan sa pag-aaral ang bilang ng mga lounge, iniaalok na destinasyon, percentage ng on-time flights kada taon at ang rating mula sa Skytrax.
Ang NAIA ay mayroong 101 destinations served, 59.6% on-time flights kada taon at may Skytrax rating na 3.
Samantala, ang Heathrow Airport ng London ang itinuring na best airport sinundan ng Haneda Airport ng Japan at Changi Airport ng Singapore.
Kasama naman ng PIilipinas na nangungulelat sa ranking ang Gatwick Airport ng United Kingdom at ang Newark Liberty International Airport ng United States.