3 bata, patay sa sunog sa Quezon City!

64

 

Tatlong bata ang namatay sa nangyaring sunog sa isang bahay sa Kaliraya, Barangay Tatalon, Quezon City kaninang madaling araw.

Ang mga bata ay hindi na nakalabas ng kanilang kuwatro dahil hindi nagising sa mahimbing na pagkakatulog.

Natagpuan ang mga labi ng mga biktima sa ikatlong palapagng bahay kung saan doon din nagsimula ang apoy.


Kinilala ang magkakapatid na nasawi na sina Princess del Rosario, siyam na taong gulang, Renemae, walong taong gulang at Alvin, apat na taong gulang.

Sugatan din ang kanilang stepfather na si Bayani Alemagno at ang misis nito na dinala na sa East Avenue Medical Center.

Nailigtas naman ang kanilang apat na buwang sanggol na anak.



Nagsimula ang sunog pasado alas-4 ng madaling araw na umabot lang sa unang alarma at bago naapula alas-4:47 ng madaling araw.

Facebook Comments