NAIBALIK NA | Balangiga bells, makakapagpalakas ng turismo sa Eastern Samar

Inaasahan na ng Department of Tourism (DOT) na mas lalakas pa ang turismo sa Eastern Samar bunsod ng pagkakabalik sa lugar ng makasaysayang Balangiga bells.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Puyat, magandang pamasko para sa buong rehiyon ng Eastern Visayas ang pagkakasauli ng mga kampana.

Magiging makasaysayan din ani Puyat ang simbang gabi ngayong taon dahil mapapatunog ang mga kampana na nawala sa bansa nang higit sa 100 taon.


Kaugnay nito isinaayos na ng DOT sa Region 8 ang Balangiga Incident Marker.

Isinailalim na rin ng ahensya sa pagsasanay ang mga trabahador sa rehiyon sa mangrove paddling guides, waiter servicing and food handling, community tour guides, mountain guides, effective customer service at entrepreneurial development.

Nagkaloob din ang DOT ng P629,000.00 pondo sa LGU upang bigyan ng livelihood gears ang kanilang mga residente.

Maaalala na nitong Sabado naibalik na sa hometown nito sa Balangiga Eastern Samar ang mga kampana matapos kuhanin ng mga sundalong Amerikano mula sa simbahan nuong kasagsagan ng Philippine-American War 117 taon na ang nakararaan.

Facebook Comments