NAIBALIK NA | Mga hindi nagamit na Dengvaxia vaccine, nakuha na ng Sanofi Pasteur

Manila, Philippines – Nakuha na sa Research Institute for Tropical Medicine; Philippine Children’s Medical Center at region 4A ang mga hindi nagamit na Dengvaxia vaccines ng Sanofi Pasteur.

Ito ay matapos na magkasundo ang Dept. of Health at Sanofi na ibalik ang mga hindi nagamit na bakuna at i-refund ang bayad para rito.

Sabi ni Health Usec. Enrique Domingo, maglalabas ng summary report ang national expert panel na binuo ni Health Sec. Francisco Duque III para pag-aralan ang nasabing bakuna.


Iba rin aniya ang grupong ito sa PGH expert panel na nag-aaral ng clinical cases at maglalabas din ng preliminary report sa mga namatay na kabataan na iniuugnay sa Dengvaxia.

Samantala, bago pa humarap sa senado sa Lunes (Jan. 22) inaasahang kumpleto na ang DOH, Dept. of Education at Dept. of Interior and Local Government ang master list ng mahigit walong daang libong bata na nabakunahan ng Dengvaxia.

Facebook Comments