Naipagbili sa tumataginting na 430,000 British pounds ang orihinal na illustrated map ng paborito nating cartoon character na Winnie The Pooh.
Katumbas lang naman ito ng 30-million pesos!
May mahigit siyam na dekada na ang tanda ng sketch na mula pa noong 1926.
Taong 1968 nang una itong maipagbili sa halagang 650 pounds (P45,000).
Nalagpasan din nito ang dating record sale set noong 2014 nang maibenta ang orihinal na drawing ng AA Milne’s characters sa halagang 314,000 pounds o 22-million pesos.
Muling nasilayan ng publiko ang naturang mapa nang i-feature ito sa opening pages ng AA Milne’s Winnie-The-Pooh at sa opening sequence ng disney film na Winnie-The-Pooh and the honey tree.
Facebook Comments