Manila, Philippines – Base sa pinakahuking datos mula sa Department of Budget and Management, naipamahagi na ng pamahalaan ang 96.3% ng national budget o katumbas ng 3.629 Trillion pesos, mula sa 3.767 trillion pesos na 2018 budget.
Simula November 16 hanggang 22, ilan sa mga ahensya na binahagian ng budget ay ang DPWH para sa pagpapatayo ng mga bagong classrooms at basic facilities ng DepEd, at rekonstruksyon ng imprastruktura sa nagpapatuloy na rehabilitasyon sa Marawi City.
Kabilang din dito ang National Government Subsidy sa Philippine Postal Corporation para sa delivery ng mga sulat ng ilang ahensya ng pamahalaan.
At maging ang pondo ng DOTr para i-cover ang loan proceeds requirements sa implementasyon ng Metro Manila Subway Project Phase 1.
Sa kasalukuyan ayon sa DBM, nasa 137.9 billion pesos na lamang ng 2018 budget na nananatili sa ahensya.