NAIINTINDIHAN | Nais ng PDEA na pagsasapubliko ng narcolist, nauunawaan ng liderato ng Senado

Manila, Philippines – Nauunawaan ni Senate President Tito Sotto III ang nais ng dangerous drugs board o DDB na isapubliko ang pangalan ng mga narco-politicians para maging gabay ng mga botante sa 2019 elections.

Bilang dating chairman ng DDB ay batid ni Sotto na talagang mainit ang dugo ng DDB sa mga politikong sangkot sa ilegal na droga.

Pinaalala pa ni Sotto na noong bago pa siya sa Senado ay inilalabas din niya ang pangalan ng mga sangkot sa iligal drug trade kahit wala pang matibay na ebidensya.


Naniniwala si Sotto sa mabuting layunin ng DDB kahit suspetsa pa lang ang laman ng narco list.

Gayunpaman, hindi naman inaalis ni Sotto ang posibilidad na magamit ang narco list sa paninira sa kapwa lalo na kung hindi pa ito validated.

Facebook Comments