NAIIPONG BASURA SA KABAHAYAN, MAARING PALITAN NG BIGAS SA UMINGAN

May bigas sa basurang naiipon sa mga kabahayan sa Umingan matapos ilunsad ng lokal na pamahalaan ang programang “Basura Mo, Palit Bigas,” isang inisyatibong pangkalikasan.

Maaaring ipalit ng mga residente ang 100 piraso ng Tetra packs ng juice sa 1 kilong bigas upang mahikayat na maging responsable sa pagtatapon ng basura at aktibong lumahok sa mga gawaing pangkalikasan.

Ang nasabing programa ay bahagi ng mas malawak na adbokasiya para sa waste segregation, recycling, at environmental awareness. Katuwang ng Umingan ang bayan ng Basista, na kinikilala ng DENR-PENRO Pangasinan bilang modelo sa solid waste management.

Sa isinagawang training, ipinakita ang iba’t ibang paraan ng upcycling gamit ang mga scrap paper, doy packs, metallic foil packs, tarpaulins, glass bottles, PET bottles, at colored bottles bilang materyales na gagawing kapaki-pakinabang.

Nagpapatuloy ang programa sa iba’t-ibang bayan sa Pangasinan tulad sa Mangatarem at San Fabian na nagpapakita ng malawakang suporta sa mga proyektong naglalayong isulong ang sustainable living at pangangalaga ng kapaligiran. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments